Saturday, June 14, 2008

Aires

isang palaisipan
marahil
bulong ng hangin
sa kislot ng ulap
sambit ang dalangin
takot kilalanin
kahit ngayon
kipkipin

isang bugtong
pasakalye
litanya ng ale
sa takda ng orasyon
sambit ang dalangin
tiwalang didinggin
kahit bukas
manimdim

palaisipan
bugtong
takot
tiwala
ngayon
bukas
lagi kang
mamahalin

2 comments:

MaidenFlight said...

hey, this is cool.

JPA said...

ang galing! very inspiring!